Tinig ng Marino welcomes
letters and comments on any subject related to Filipino seafarers and the
maritime industry. Please send all letters / communications to Tinig ng
Marino, UFS, 4F Room 402 Gedisco Terrace 1148 Roxas Blvd., Ermita, Manila,
Philippines 1000 or e-mail:tinig@ufs.ph
Coming Home to UFS
How are you, Sir? Hope that you are doing well. I apologize
that I seldom write a letter or contact you due to many reasons, which
I know you understand.
Sir, I am still onboard MV Maersk Dartmouth, a chartered
vessel of Maersk Line. I hope to see you soon when I sign off from this
vessel. As I am writing this letter, I still have one and a half
voyage remaining.
Kumusta nga pala ang magigiting na UFS boys diyan? Regards
nalang sa kanilang lahat pati na rin kay Ma’am Maricar. All the best lagi
para sa inyo Sir at sa UFS! - 3/M Rolando E. Batoy
We are all doing okay here Rolando and we look forward
to seeing you when you sign off from your shipboard assignment. - Editor
TINIG NG MARINO READERS.
Former UFS volunteer Archie Aranguin (half-kneeling, third from right),
together with his colleagues, all crewmembers of M/T Shimanarami enjoying
a light moment during a momentary break from their shipboard work. One
of his colleagues behind him is even displaying a copy of Tinig ng Marino.
Supporters to the Cause of UFS
It is a pleasure for all officers and crew members of
MV Cebu Star to express our warm felicitations for the good deeds and great
concerns that the United Filipino Seafarers (UFS) at your helm had
served unselfishly for the best interest of all Filipino seafarers.
The Tinig ng Marino publication had given us useful information
on what was really going on in the maritime industry where the livelihood
of Filipino seafarers is affected.
We welcome and support your moves with the vision of keeping
the good reputation of every Filipino seafarer who continues to struggle
hard amid the very challenging working environment.
At these trying times, it is not easy to find a reliable
refuge in seeking solutions to problems being confronted by our kind. Even
before a Filipino seafarer works onboard, he has to face a ‘turbulence’
in complying with the voluminous documentary and training requirements.
Worst are the sky-rocketing training fees and the malpractices of some
unscrupulous individuals that make many people’s lives miserable.
Sir, it is so hard to count in our fingers the remaining
people in the industry who are really aware of the needs of the Filipino
seafarers. Most of us have no clear assurance upon retiring from our profession
or in the event that anyone of us failed to get rehired because we are
no longer fit for work or whatever valid reason there may be.
We know that you need our support and trust in your mission
for the Filipino seafarers. Hence, we are sending you this message to let
you know that you are not alone.
We thank God that we still have a person in the industry
like you. Keep up the good work, Sir, and God bless.
We will also be glad if you would allow us to subscribe
to the globally-read Tinig ng Marino. The Filipino officers and crew of
our vessel, including myself, are also interested to become members of
UFS and we hope that our membership could be facilitated soon. Looking
forward to becoming part of the vision of the UFS for the maritime industry.
– Chief Mate Antonio L. Racho and the officers and crew of M/V Cebu
Star
Thank you very much Chief Mate Racho for the all-out
support to the endeavors of UFS for the Filipino seafarers. The UFS is
now pushing for the streamlining of documentary and training requirements
to unburden the Filipino seafarers of unnecessary wastage in time, effort
and most especially, money. We will facilitate your subscription with Tinig
ng Marino as requested. As for your membership with the UFS, please do
visit our office upon the end of your current shipboard assignment. We
welcome you and the rest of your colleagues to our organization. - Editor
Chief Mate Racho and some
of his colleagues onboard M/V Cebu Star
Mailap ang Suwerte
Una sa lahat, binabati ko po kayo ng magandang araw pati
na ang lahat ng bumubuo ng Tinig ng Marino!
Sir sumulat po ako sa inyo para humingi ng tulong. Isa
po akong graduate ng B.S. in Marine Transportation course na ngayon ay
patuloy na nagbabakasakali na matanggap ng ilang manning agencies na aking
ina-apply-an.
Ako po ay galing sa mahirap na pamilya. Natapos ko po
ang kursong ito dahil sa sariling sikap ko. Ako po ay 26 years old na ngayon.
Nakatapos na rin po ako ng aking one-year shipboard apprenticeship
sa isang interisland na barko na naka-base sa Cebu.
Sa ngayon, pinagpatuloy ko ang aking pag-a-apply pero
talagang mailap sa akin ang suwerte. Sa tuwing mag-a-apply ako at papasok
sa mga opisinang aking ina-applay-an, malimit akong natatanggihan dahil
wala akong backer o kakilala roon.
Naglakas loob akong sumulat sa inyo upang humingi ng tulong.
Sana po sa tulong ninyo ay matupad ang aking pangarap na matulungan ang
aking mga magulang.
Sir, gagawin ko ang lahat kahit na magsimula ako sa wala.
Sir, ako po’y isa na rin pong miyembro ng UFS. Mabuhay po kayo at
ang United Filipino Seafarers! – Danilo Berro
Maraming salamat sa iyong liham Danilo. Ikaw at libo-libo
pang mga tapos ng kursong pangmarino ang nakararanas ng problemang iyong
kinakaharap sa kasalukuyan. Sa kadahilanang ikaw ay miyembro na ng UFS,
hinihikayat ka naming magsadya sa aming tanggapan sa anumang oras na maluwag
para sa iyo upang mapag-usapan natin kung paano ka matutulungan ng UFS.
- Editor
Simula ng Katuparan ng Pangarap
Magandang araw po sa inyo Sir Nelson at sa lahat ng kasama
ninyo dyan sa UFS at maging sa inyong pamilya. Sana po sa pagtanggap ninyo
ng sulat kong ito ay nasa mabuti po kayong kalagayan.
Sir, habang sinusulat ko ang liham na ito, mag-iisang
buwan na po ako dito sa barko simula noong ako’y sumampa sa San Francisco,
California, U.S.A. Ang kargada po namin ay Oriente Crude oil. Full Filipino
crew kami dito at mababait ang mga kasama ko kaya kahit na first time po
ako ay ayos lang po ang trabaho na kahit mahirap, masaya pa rin.
Lubos po ang aking naramdaman na kasiyahan nang makasampa
ako dito sa barko. Matutupad ko na kasi ang aking pangarap na makatulong
sa aking mga mahal sa buhay. Sir Nelson, marami pong salamat sa inyong
tulong sa akin na kung hindi dahil sa inyo hindi ko alam kung makakarating
ako sa kinalalagyan ko ngayon.
Wala na po akong mahihiling pa sa inyo Sir, kundi ang
magpasalamat sa inyong kabutihan.
Sana po ay humaba pa ang inyong buhay nang sa ganun ay
marami pa kayong matulungan na tulad ko. Gusto ko rin pong magpasalamat
sa Michaelmar Phil Inc. at OSG Ship Management Manila sa kanilang magandang
loob na binigyan ako ng pagkakataon na makapagtrabaho sa kanilang barko.
Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala.
Sa mga kapatid ko na UFS volunteers, paalala lang; “Huwag
kayong sumuko!”
Pagpasensiyahan ninyo na lang Sir Nelson ang maikli kong
sulat. Muli, maraming salamat po at mabuhay po kayo! – OS Rapie Billones,
M/T Cabo Sounion, OSG Ship Management Manila
Ang halaga ng isang liham Rapie ay wala sa haba o sa
iksi nito kundi nasa nilalaman na mensahe. Kami ay lubos na natutuwa dahil
ikaw ay ganap na ring mambabarko. Ipagpatuloy mo ang pamumuhunan mo ng
sipag at tiyaga at siguradong matutupad mo ang iyong mga pangarap sa buhay.
Isang karangalan sa UFS ang iyong tagumpay. - Editor
Photo
taken during the launching of the ship’s miniature model made by AB Ian
Rogel from recycled products as part of the crew’s contribution to the
environment during the American Bureau of Shipping (ABS) environmental
audit of M/T Cabo Sounion under the command of Capt. Armando Palma last
July 22, 2006. Flanking the miniature model, showing their best smiles
and proudly displaying several copies of Tinig ng Marino onboard
are (from left) AB J. Romero, OS J. Peralta, C/O Winnie Lagansoa, 4/E Capua,
Wiper Lazerna, AB Rogel, 2/E Allan Rozul, Bsn Hufalar, OS Ty, AB G. Hingosa,
OS and UFS member Rapie Billones and D/C Iglesias.
Walang Patid na Pasasalamat
Sir, kamusta na po kayo? Si Alan po ito! Yung kadete sa
Southfield Agencies. Medyo matagal-tagal din po ako bago nakasulat sa inyo.
Sana po nasa kondisyon kayo parati. Yung parating pangmalakasan ika nga
po ni C/E Virtudazo! Kamusta na po kayo diyan? Yung mga kasama ko po diyan?
Siya nga po pala, nakasakay na ako ngayon sa isang 29,381
GRT Hong Kong-flag na bulk carrier na may worldwide route. Katatapos lang
po namin ng drydock at pinasabay ko na po itong sulat ko. Gusto nga po
kayong ma-meet ng mga kasama ko dito e. Kasi palagi sa mga usapan lalo
na’t tungkol sa industriya, palaging lumilitaw po ang pangalan ninyo. Siyempre,
proud po akong sabihin na UFS din ako. “Bata ako ni Sir Nelson” na ang
ibig sabihin ay isa rin po ako sa mga natulungan ninyo.
Nang minsan lumabas nga po kami at namasyal dito, may
nakilala kaming 4/E na taga Gear Bulk na kilala rin po kayo. Madami po
talaga ang nakakakilala sa inyo! Lahat na yata ng seaman e talagang wala
ni isa na hindi nakakakilala sa inyo.Talagang malaki na po ang nagawa ninyo
sa ating industriya. Pangalan pa lang, matunog na!
Nandito po kami ngayon sa Shanghai, loading kami. Pagkatapos,
loading ulit sa Taiwan at Japan and then proceed kami sa Los Angeles at
sa San Francisco.
Masaya po ako dahil nakakapunta na po ako sa iba’t ibang
bansa. Talagang see the world for free ang maging seaman, na ang buong
akala ko nung ako’y bata pa ay sa panaginip ko lang mararating. At nangyayari
na nga po ang lahat ng ito dahil sa tulong ninyo. Napakasaya ko po at isa
ako sa mga nabiyayaan ng inyong tulong. Nagpapasalamat po ako Sir sa inyo
at sa inyo pong napakagandang anak na si Jessa, na kung hindi dahil sa
inyong kabutihang loob ay sigurado wala po ako ngayon dito.
Sir, napakabuti nyo po sa akin. Hindi nyo po ako lubos
na kilala pero pinatira ninyo po ako sa UFS at nirekomenda sa isang magandang
agency. At ang lahat ng inyong kabutihan ay itinanim ko na po sa aking
isip. Lahat-lahat ng kabutihan at aral ay akin nang pinakikinabangan ko
ngayon.
Sana po lahat ng mga tao’y may mabuting kalooban na tulad
ninyo. Di ko na po alam kung paano pa po ako makakabayad ng utang na loob.
Marahil kahit sa simpleng sulat ko man lamang pong ito ay maipakita ko
ang aking pasasalamat.
Bagamat nasa ikaapat na buwan pa lang ako ng aking unang
kontrata, medyo marami na po akong natutunan, especially sa operational
level. Kung ang alon naman po ang pag-uusapan, naku palagi na lang. Malakas
kasi gumulong ang barko namin. Mabigat kasi ang crane eh. Kaya nung umpisa,
ang biro ng mga kasama ko agaw-buhay daw kami. Pero buti na lang na-cope
ko na rin. Survivor na rin, ika nga.
Baka sa December o January pa po ako makababa. Mag-e-extend
ako to complete my one-year shipboard stint. Pero baka hindi muna ako makapag-exam.
Medyo tamang-tama lang ang allowance ko dito. Pero okay lang po. Hindi
naman ako namimili. Ang mahalaga, nakasakay ako. Basta sabay lang po ako
sa agos ng buhay. ‘Yan ang buhay seaman. Hindi po ba Sir?
Hanggang sa susunod ko pong liham. At sana, hindi na ako
masyadong mahiya kapag kaharap ninyo Sir. Ang dami ko na po kasing utang
na loob sa inyo e kaya nahihiya po ako. At muli, maraming maraming salamat
po! - E/C Alan Coronado, M/V Saga Sky Southfield Agencies, Inc.
Sapat na sa amin Alan ang iyong pasasalamat at ang
malaman na ikaw ay nasa mabuting kalagayan diyan sa barko. Huwag mong masyadong
isipin ang iyong utang na loob dahil karangalan ko at ng UFS ang makatulong
sa mga taong nagpupursige at gustong umasenso sa buhay kagaya mo. - Editor
Pagtanaw ng Utang na Loob
Ako po ay isa sa mga volunteers ng UFS na pinalad na makasakay
sa isang international vessel at nais kong kumustahin at pasalamatan ang
lahat ng taga-UFS lalong-lalo na si Sir Nelson Ramirez na walang sawang
tumutulong at gumagabay sa aming mga volunteers para magkaroon ng wastong
motibasyon bilang paghahanda namin sa pagsakay sa barko.
Sir, maraming-maraming salamat sa inyo. Kung hindi dahil
sa tulong ninyo, siguro hindi pa ako nakasampa ng barko hanggang ngayon.
Tatanawin ko po itong malaking utang na loob.
Maayos naman kami dito sa barko at kasama ko rin ang dating
UFS volunteer na si Alkene Tokong. Ang nasakyan kong barko ngayon ay isang
chemical tanker. Ang byahe ng barko namin ay Asia at sa ngayon ay nandito
kami sa Singapore at naglo-loading ng gas oil, jet fuel, at unleaded gasoline
at ito’y aming idi-discharge sa Pacific Islands.
Ang mensahe ko sa lahat ng mga volunteers sa kasalukuyan
diyan sa UFS na patuloy na nangangarap na makasakay ng barko: Huwag kayong
mawalan ng pag-asa at paniniwala sa inyong sarili at sa Poong Maykapal.
Hindi rin kayo tiyak pababayaan ni Sir Nelson.
Nais ko rin pong kumustahin at pasalamatan ang lahat ng
UFS staff na sina Ma’am Maricar Songcayauon, Ma’am Loreen at Allan Danghil
at sa lahat ng bumubuo ng ating organisasyon. - O/S Crestopher
N. Pitogo, MT Overseas Almar
Maraming salamat sa iyong mensahe Crestopher sa mga
UFS volunteers. Kami ay lubos na nagagalak na ikaw ay kasalukuyan nang
naglalayag. Lalo mo pang pag-ibayuhin ang iyong pagsisikap at tiyak makakamtan
mo ang iyong mga mithiin sa buhay, pati na ng iyong pamilya. - Editor
Umaasenso Dahil sa Pagsisikap
Kumusta na po kayo dyan Sir at ang inyong pamilya? Sana
sa pagbasa ninyo po nitong sulat ko ay nasa mabuti kayong kalagayan. Hindi
po ako magsasawang ipaabot sa inyo ang aking taus-pusong pasasalamat dahil
kayo po ang nagbigay-daan tungo sa aking mithiin sa buhay na makasakay
ng barko. Matu-tulungan ko ring maiahon sa hirap ang aking pamilya. Kung
hindi dahil sa inyo Sir, wala sana ako ngayon sa kinalalagyan ko.
Sir, malaking naitulong sa akin ang pagiging UFS volunteer
staff noon lalung-lalo na ang mga payo at disiplina na aking natutunan
noong ako ay naririyan pa. Kahit marami ang trabaho sa barko, basta UFS
boy, kayang-kaya lahat.
Sa awa ng Diyos at sa aking pagsisikap sa barko ay na-promote
po ako dito bilang A/B Sir. Ang lahat ng ito Sir ay utang na loob
ko po sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo ay malabong matupad ang aking pangarap
sa buhay.
Mabuhay po kayo, Sir Nelson!
At sa mga kapatid kong UFS boys na naririyan pa, ang maipapayo
ko lang sa inyo ay sipag, tiyaga, at pagdarasal sa Maykapal ang kailangan.
Makakasakay din kayong lahat. Hindi kayo pababayaan ni Sir Nelson. At magpakabait
din kayo.
Regards din po sa mga ka-batch kong DCIT products na sina
Tome, Hipos, Solomon, Bompat at sa lahat ng mga batang-UFS lalung-lalo
na kay Ma’am Maricar. - UFS Boy, A/B Gerry Quirante, Cardiff Marine
Inc. Seapower Shipping
Ikinalulugod naming malaman Gerry na ikaw ay na-promote
na bilang A/B sa barkong iyong sinasakyan dahil sa iyong pagsisikap. Walang
pangarap na hindi puwedeng matupad kung paglalaanan mo lang ng sipag, tiyaga,
at siyempre pananalangin. Ipagpatuloy mo ang iyong pagpupursige at siguradong
makakamtan mo ang iyong mga minimithi sa buhay. - Editor
Gerry
Quirante (standing, middle) with his colleagues enjoying light moments
onboard after a long day’s work.
Two Former UFS Volunteers in
One Ship
My warmest greetings to you Sir Nelson and the entire
staff of the United Filipino Seafarers (UFS). I wish that our Almighty
God is always guiding your ways as you continue to find solutions to the
problems of Filipino seafarers.
It’s been a long time since I’ve been onboard the ship
M/T Overseas Almar. She is a chemical tanker manned by full Filipino crew.
Her route is only in Asia. We load MEG (mono ethylene glycol) and Methanol
from Saudi and discharges it in Taiwan, China and sometimes in Korea. We
have a great working atmosphere here, from our young and humble Captain
and his co-officers and engineers.
Ratings, including myself, are working as a team in handling
our respective tasks onboard. In fact, we had just passed the vetting inspection
conducted earlier.
I am also happy that there are two UFS volunteers onboard
this ship. Me and Crestopher Pitogo who had just signed-on last April.
Now I’m sharing with him what I learned.
Sir Nelson, if not for your help, we will not be here.
You molded and guided us to become strong and prepared while we were still
volunteers and now we appreciate all of your teachings as we understand
the real life of a seafarer. Cres and I wish to extend you Sir Nelson our
sincerest gratitude.
Mabuhay po kayo! Huwag po sana kayong magsasawang tumulong
sa katulad namin. Let me also express my regards and thanks to the whole
staff and management of OSG for their trust and support.
To the UFS volunteers who are still there, especially
those in Room 309, huwag kayong maiinip, pana-panahon lang yan. Hindi kayo
pababayaan ni Tatay.
Sir, nagkita na pala kami ni Elvis de Guia sa Taiwan when
I went on shore leave one time. Kung maalala nyo, UFS volunteer din po
siya dati, sa accounting department. He also extended his regards to you.
Talagang lumalaki na po tayo. Muli, maraming salamat po. – O/S Alkene
M. Tokong, M/T Overseas Almar, UFS Batch 2001
We’re happy to know Alkene that there are two former
UFS volunteers aboard your ship. We are also happy that you are now putting
value on the learnings that you have acquired while you were still serving
as volunteers in the UFS. That’s already a huge satisfaction on our part.
Keep working hard and show the kind of sturdy stuff that UFS members are
made of. - Editor |