ON AIR
DZRB 
Radyo ng Bayan 738 KHZ AM Band
Tuesdays 12:15-13:00 PHT

Short Wave: 15.190-11.815MHZ Sundays 1730-1930 UTC


pointer MAIN
pointer NEWS & FEATURES
pointer OPINION
pointer LOOKOUT
pointer SPORTS
pointer GITIK-GITIK Ginagmay
pointer ONLINE

pointer E-MAIL
pointer PREVIOUS
ISSUES
pointer Usapang Marino (Seafarer's Forum)
pointer SUBSCRIBE
Print Version
pointer SEARCH


© 1999-2006
United Filipino Seafarers.

All rights reserved. No part of this work may be reproduced or used in any form or by any means without the written permission of the 
United Filipino Seafarers


Workers’ safety website

A WEB page enabling workers to gain rapid access to essential information about their health and safety rights and responsibilities has been set up by the Health and Safety Executive.

The "workers’ webpage" http://www.hse.gov.uk/ workers
- covers the roles and responsibilities of employers and employees, as well as issues such as ‘whistle-blowing’ and reporting accidents.

  The Philippines' only globally circulated maritime newspaper
Tinig ng Marino Internet Edition
Internet Edition (http://www.ufs.ph November - December 2006
 Free Card Free Call Free Help
www.seafarerhelp.org
800 s e a f a r e r
800 7 3 2 3 2 7 3 7

Join Tinig's Usapang Marino: a seafarers' forum on the Web


ALL ABOARD
Capt. Nestor M. Vargas
Vice President, Crewing Managers Association of the Philippines (CMAP)

Ang Sekreto ni Chief Mate
 
 

Sa isang selebrasyon ng PRC,  nagkaroon ng pa-timpalak ang ahensiya na ginanap mismo sa quadrangle ng tanggapan. Ang timpalak ay  ay may kinalaman sa kalabaw. Marami ang sumali, halos lahat ng professionals under PRC  may  contestant. Ang contest ay kung papaano mapapaiyak ang kalabaw. 

May doktor na nag-injection sa kalabaw para  umiyak, pero wala epek. May engineer na kumuha ng malaking crane at binagsakan sa tabi ang kalabaw ng malaking semento, pero bale wala rin sa kalabaw. Eto ngayon, may parating na isang seaman. Chief Mate siya at may dalang bag na maraming papeles. Nagtanong siya sa mga nag-uusyoso sa paligid: “Anong  mayroon dito?” Sumagot ang  isa  niyang  kapwa seaman  at sinabing may palaro   kung papaano raw mapapaiyak  ‘yong kalabaw. 

“Magkano ang bayad kapag napaiyak ang kalabaw?” tanong ng Chief Mate. “Ewan ko, pero tanungin mo ‘yang PRC official na in-charge. Pinuntahan nga ni Chief Mate at doon nagtanong. Sumagot ngayon ang PRC official na P5,000 daw. “Ha! Puwede na yan pangdagdag sa bayad ko sa training para sa COC . Sige! Sali ako,” bulalas ni Chief Mate.

Heto,  siya  na   nga ang isinalang. Umikot ng tatlong beses sa nakaupong kalabaw si Chief Mate. Sa pangatlong ikot, lumapit siya sa kaliwang tenga ng kalabaw sabay bulong. Biglang  humagulgul ang kalabaw. Iyak nang iyak. Panalo si Chief Mate!

Nagtaka ang mga tao, lalo na ang PRC official at tinanong si Chief Mate kung paano niya nagawa iyon. Sabi ni Chief Mate: “Secret.”  Sinabi ni PRC official na kapag hindi mo sinabi sa akin, hindi ko ibibigay ang premyo mo. “O sige na  nga. Sinabi ko sa kalabaw na ako’y isang seaman. Magtatatlong buwan na akong pabalik-balik dito sa PRC para makuha ang COC  ko. Marami  pang ipinakukuha sa akin na mga training at istambay pa rin ako hanggang ngayon.  Pinalitan na ako ng ibang seaman  sa  in-apply-an kong agency. Hayan,  umiyak ‘yong kalabaw,” paglalahad ni Chief Mate.

After one month, nagkaroon na naman ng pa-contest sa PRC at eto ay kung papaano naman mapapatawa ang kalabaw. Marami ring sumubok patawanin ang kalabaw. May nurse na kinikiliti yung kalabaw, architect na nag-drawing-drawing sa tenga nito para makiliti, may electrical engineer na kinukuryente pa  yong kalabaw nang bahagya pero wa epek pa rin lahat sa hayop. 

Maya-maya eto na naman si Chief Mate. Muli, tinanong niya yung PRC official kung magkano ang premyo at sinabihan siya na P10,000. “Uy, puwede na yan para pandagdag bayad sa interim courses ko.” 

Inikutan na naman  ni Chief Mate ang kalabaw   ng tatlong beses. Sa ikatlong ikot, bumulong  sa kaliwang tenga nito. Mamaya-maya, humahalakhak na ang kalabaw. Itinataas pa nga ang paa sa sobrang  tuwa. Panalo ulit si Chief Mate.

Tinanong muli si Chief Mate ng PRC official kung paano niya nagawang patawanin ang kalabaw. No choice na naman si Chief  Mate,  kaya sinabi na niya ang tunay na pangyayari: “Binulungan ko ang kalabaw  na ako  ‘yung   seaman noon na may malaking problema sa COC. Sinabi ko sa kanya na sa wakas nakuha ko na ang aking COC. Sinabi ko rin na makakapag-apply na ako sa mga manning agencies. Oh..Hayan.. natuwa ‘yong kalabaw.”

 After three months, may pa-contest uli sa  PRC  kung  papaano mapapatakbo  ‘yong kalabaw. Gaya ng mga nauna, marami  uling mga professionals ang sumali. May teacher na sinilaban yung buntot ng kalabaw.  Wa epek. Kiniskis lang ng kalabaw  ang buntot  niya sa pader. Sumubok  din ang  mechanical engineer na nagdala pa ng shore crane at hinila yong kalabaw pero wa epek din. 

Biglang pasok na naman si Chief Mate. Tinanong niya muli si PRC official kung magkano ang premyo. Sabi sa kanay P15,000. Pero dagdag ni PRC official na doblado ang premyo kung napailing pa niya ang kalabaw.  Ang ibig sabihin P30,000 ang sumatotal.

“Subukan ko rin ho, Sir. Pambayad ko na ito sa aking simulator training and assessment  at  dagdag pambayad na rin para sa interim courses na nire-require ninyo, kahit  hindi naman  ‘yan nakasaad sa STCW ’95,” .

Heto na naman uli ang ating bida. Inikutan na naman ng tatlong beses ang kalabaw. Sa bawat  ikot  niya, tinititigan niya ang kalabaw sa mata. Sa ikatlong ikot, biglang bulong sa kanang tenga ng kalabaw.  Biglang kumaripas nang takbo ang kalabaw at sabay  pa ang iling ng ulo nito. Grabe ang bilis ng takbo at iling ng ulo. Panalo uli si Chief Mate.

 Bilib at hanga na talaga ang mga opisyales ng PRC kay Chief Mate. Wala na silang masabi  kung hindi mamangha sa pagkapanalo ni Chief Mate. Tinanong na lang nila ang sekreto kung papaano niya napatakbo ang kalabaw.  WIka nya,”Siimple lang naman. Sinabi ko lang sa kalabaw  ang  hirap na dinanas ko sa kamay ng mga mapagsamantalang tao sa industriya at ano ang ginawa nila sa mga marinong katulad ko. Tapos, tinanong ko lang ‘yung kalabaw kung gusto niyang mag-seaman. Kaya ayon, kumaripas ng  takbo  at umiiling pa!”
 

 


OPINION

EDITORIAL
Geography Matters — Or, It’s More than a Canal, Stupid!

SOUNDING LEAD
Training as Predictor of Success
Capt. Reynold M. Sabay

UGONG NG MAKINA AT IKOT NG ELISI
Solusyon sa Exam Leakage
Engr. Nelson P. Ramirez

VAST HORIZON
Life Goes on for Swan Fleet at Southfield
C/Engr. Rodolfo B. Virtudazo

COMMENT
Simple Arithmetic
Capt. Leuel P. Oseña

SAILORS’ CORNER
Of Releases, Waivers and Quitclaims
Atty. Augusto R. Bundang

ALL ABOARD
Ang Sekreto ni Chief Mate
Capt. Nestor M. Vargas




Contribute your ideas online!
Express your opinion!

You can now join or start any discussion on seafarer's issues anytime or anywhere you are with

Usapang Marino
(Seafarer's Forum)
at URL: http://www.ufs.ph/phpBB2


Need a break?
Participate in seafarer’s sports while in Rotterdam and Antwerp?
ISS/ICSW, in cooperation with Friends of UFS in Rotterdam, has initiated a host of sports activities for seafarers calling ports in Rotterdam and Antwerp. For more information, contact Jorg Pfautsch,  telephone number 0032-478-292469, or UFS-Rotterdam at 010-4668300.

THE SEAMAN’S CHURCH INSTITUTE OF NY & NJ
International Seafarers’ Center
118 Export Street, Port Newark, 
New Jersey 07114
TELEPHONE (973) 589-5828
FAX (973) 8565
WE WELCOME YOU! 

– MON - FRI 8:30 AM to10 PM 
– SATURDAY 4 to10 PM 
– SUNDAY 4 to 10 PMFree Transportation to the center / Worship service, prayer meetings, and counseling is provided aboard ship by request, and the Mariner’s Chapel / Cross & Anchor calling cards – low rates for domestic and international calls ($10 and $20 cards available) / Books, Bibles, magazines, religious materials, trucker resources, and used clothing / Postal services (U.S. mail, priority / express mail, Fedex) available / Money orders and money gram services to all countries / Cash remittance to the Philippines / Internet access, email services, faxes / Sports & Entertainment–large screen TV, ping pong, darts, billiards, soccer, basketball, and video games / Fitness Center / Shower–no charge for seafarers / Gift Shop–candy, greeting cards, soda, souvenirs, health and beauty products, clothing / New Jersey Gardens–the largest outlet mall in NJ just 15 minutes away / Bus service is available / Balikbayan box shopping, UPS / Restaurant / Bar–Breakfast, lunch, and dinner.

Serving the ports of Newark, Elizabeth, Jersey City, Bayonne, Port Reading, Kearny, Linden, Carteret, Perth Amboy, Staten Island, and Brooklyn



NOTICE TO THE PUBLIC

Rolly Pagaspas is not in any way connected with the United Filipino Seafarers (UFS). He was assigned as event director during the 1st UFS National Summit last September 2004 but he disappeared two days before the event. Any transaction entered into by Mr. Pagaspas will not be honored by UFS.

© 1999-2006
United Filipino Seafarers
All rights reserved. 
Need help when you're in Rotterdam?
The Friends of UFS in Rotterdam will be glad to listen to your problems
and give you a helping hand. If you're in trouble or just feel lonely and lost, 
call us at tel. nos. Bob:010-466-8300/Corry:010-486-2429/Beth:0181-215898/Simon:0182-584705
For comments about this site: webmaster@ufs.ph
about the contents:
 tinig@ufs.ph