 |
(Humor at Sea) ni
Dodong Marino,
MV Buenavista |
BAWAL ANG
KARNE
Mahal
na Araw, naglalakad si Father Pedro sa pier (daungan ng barko) nang makita
niya ang isang grupo ng mga bakla:
Father: “Hoy mga iha, anong ginagawa ninyo rito
sa pier? Alam ba ninyong Mahal na Araw ngayon at bawal ang karne?”
Pinuno ng Bakla: “Opo Pader, alam po namin na
Mahal na Araw ngayon, at alam din namin na bawal ang karne, kaya nga po
kami nandito sa pier kasi naghihintay kami ng SEAMAN, para po, SEAFOODS
naman.”
KAIBIGAN
Lalake:
Taksil! Baog ako, paano ka nabuntis? Sinong ama? Ang kaibigan kong Kadyo?
Si Pekto? Kaibigan kong si Ador?
Babae: Puro ka na lang kaibigan mo! Bakit
wala ba akong kaibigan!?
BAKIT WALANG LAMAN
Isang umaga sa tindahan ni Mang Lee.
Pedro: Mang Lee, pabili nga ng tatlong nilagang
itlog.
Mang Lee: Ikaw hintay, ako luto sandali lang ha.
(Pagkalipas ng limang minuto.) Ito na iyo order, akin luto na.
Pedro: Mang Lee, bakit walang laman yung binigay
nyong nilagang itlog.
Mang Lee: Ah ikaw iho, psensiya na, ako luto bago.
(After five minutes.) Iho ito na, iyong nilagang itlog.
Pedro: Mang Lee, niloloko niyo ba ako?! Bakit
walang laman ang ibinigay niyong itlog sa akin?
Mang Lee: Ano! wala na namang laman? Sandali lang,
(takang sinundan ni Pedro si Mang Lee na may dalang pamalo papunta sa kanyang
poultry, at doon nagsisigaw si Mang Lee).
Mang Lee: Sabi nang walang gamit ng condom, gamit
condom pa rin! kayo papatayin ko!
ANG DAPAT GAWIN
Paengkang-engkang ang lakad ni Tikboy. Sinamahan siya
ng kaibigan na magpunta sa school doctor. Walang pasyente ang doctor, kung
kaya’t agad siyang inasikaso. Pinaupo. Tiningnan ang blood pressure at
tibok ng puso. Pamaya-maya, nagtanong ang doctor.
Doctor: Ano ba hijo ang nararamdaman mo?
Tikboy: Doc, sa tingin at pakiramdam ko ay mayroong
tubig ang aking tuhod. Ano po ang dapat kong gawin?
Doctor: Aba’y bumili ka ng bota ngayon din!
BATAM-BATA ANG KASAMA
Kasalukuyang
nagmimiryenda sina Grace at Mara sa kantina nang mapadako ang kanilang
usapan tungkol sa kani-kanilang mga ama. Magkakakilala ang kanilang mga
pamilya.
Grace: Naku, Mara! Nakita ko ang tatay mo sa simbahan.
May kasamang batambatang babae.
Mara: Ano! diyata’t pinagtaksilan ng tatay ang
nanay! Ano ang hitsura ng kanyang kasama?
Grace: Aba’y maganda, kutis porselana, maganda
ang suot, mamula-mula ang pisngi at ang bango. Panay nga ang halik ng tatay
mo.
Mara: Makikita ng tatay, at saka ano pa ang itsura
ng kasama niya.
Grace: At saka may LAMPIN!
ANG MANOK NA MATANDA
Nagkayayaan ang dalawang lalaking guro na kumain sa isang
sikat na fried chicken food house. Natural, umorder sila ng beer at tigkalahating
fried chicken habang nilalantakan nila ang order.
Guro 1: Pare! Nalalaman mo ba kung matanda o bata
ang karne ng manok na kinakain mo?
Guro 2: Mahirap na malaman pare. Dahil hindi mo
naman nakita noong pinatay iyan!
Guro 1: Hindi pards! Madali lang! Sa pamamagitan
ng ngipin!
Guro 2: Pambihira, wala namang ngipin ang manok
ha! Tuka lang!
Guro 2: Wala nga! Pero tayong mga tao, mayroon.
Kapag makunat at matigas ang karne o laman iyon ang matandang manok. Kapag
malambot, ito ay batang manok, ‘di ba?
TAKE HOME
May dalawang magkumpare ang naghuhuntahan.
Man 1: Pare, asar ako sa
misis ko.
Man 2: Bakit naman?
Man 1: Pa’no ayaw niya na
dinadala ko ang trabaho ko sa bahay para doon ko tapusin.
Man 2: Tapos!
Man 1: Syempre mas mabuti
na lang sa bahay na lang ako nag-oovertime kaysa nasa labas ako. Baka ma-good
time pa ko nyan.
Man 2: Ano ba ang trabaho
mo?
Man 1: Imbalsamador!
SI JAY AT SI REY
Jay: Di ba pag ikaw ang nagtatanong ako ang sasagot?
Rey: Oo naman.
Jay: Ngayon iibahin natin pag ako ang nagtanong
ako ang sasagot!
Rey: Bago yan ah. Sige subukan natin.
Jay: May isang lalaki putol ang kamay at paa isang
araw nagkasunog sa tinitirhan niya anong gagawin niya?
Rey: Puwes tanong mo yan ikaw ang sasagot.
Jay: Oo nga ano, ganito ang ginawa niya, tinadyakan
niya ang pinto at tumakbo siya. Hindi siya nasunog.
Rey: Paano makakatakbo iyon putol nga yong dalawang
paa at kamay niya?
Jay: Tanong mo yan, sagutin mo yan.
Rey: Buwisit! |
|
Contribute your ideas online!
Express your opinion!
You can now
any discussion on seafarer's issues anytime or anywhere you are with
Usapang
Marino
(Seafarer's
Forum)
at URL: http://www.ufs.ph/phpBB2
Need a break?
Participate in seafarer’s
sports while in Rotterdam and Antwerp?
ISS/ICSW, in cooperation
with Friends of UFS in Rotterdam, has initiated a host of sports activities
for seafarers calling ports in Rotterdam and Antwerp. For more information,
contact Jorg Pfautsch, telephone number 0032-478-292469, or UFS-Rotterdam
at 010-4668300. |
THE
SEAMAN’S CHURCH INSTITUTE OF NY & NJ
International Seafarers’
Center
118 Export Street, Port
Newark,
New Jersey 07114
TELEPHONE (973) 589-5828
FAX (973) 8565
WE WELCOME YOU!
– MON - FRI 8:30 AM to10
PM
– SATURDAY 4 to10 PM
– SUNDAY 4 to 10 PM
Free Transportation to the
center / Worship service, prayer meetings, and counseling is provided aboard
ship by request, and the Mariner’s Chapel / Cross & Anchor calling
cards – low rates for domestic and international calls ($10 and $20 cards
available) / Books, Bibles, magazines, religious materials, trucker resources,
and used clothing / Postal services (U.S. mail, priority / express mail,
Fedex) available / Money orders and money gram services to all countries
/ Cash remittance to the Philippines / Internet access, email services,
faxes / Sports & Entertainment–large screen TV, ping pong, darts, billiards,
soccer, basketball, and video games / Fitness Center / Shower–no charge
for seafarers / Gift Shop–candy, greeting cards, soda, souvenirs, health
and beauty products, clothing / New Jersey Gardens–the largest outlet mall
in NJ just 15 minutes away / Bus service is available / Balikbayan box
shopping, UPS / Restaurant / Bar–Breakfast, lunch, and dinner.
Serving the ports of Newark,
Elizabeth, Jersey City, Bayonne, Port Reading, Kearny, Linden, Carteret,
Perth Amboy, Staten Island, and Brooklyn |
|