UGONG
NG MAKINA AT IKOT NG ELISI
Engr. Nelson P. Ramirez
Most Outstanding Marine Engineer Officer, PRC, 1996
Most Outstanding Student, ZNSAT, 1970
Mga Buwitre sa TESDA
Marami na akong naulinigan sa mga kabalbalan na nangyayari
sa TESDA ngunit hindi ko alam kung gaano talaga katalamak ang mga nangyayari.
Marami ang nagsasabi sa akin na sadyang napakahirap talaga ang binibigay
nilang written examination na kahit ang mga marinong may labing-limang
taong karanasan sa pagbabarko at may lisensiya pa na 3rd mate ay hindi
lumulusot sa pagsusulit ng TESDA. Ang nakapagtataka ay mayroong nakakakuha
ng 100% sa nasabing written examination. Papaano mangyayari ito?
Samantalang mga tauhan lang naman ng TESDA ang may hawak ng questionnaires
at pinapalitan nila ang mga tanong araw-araw?
**********
Bakit kaya ayaw payagan ng TESDA na bigyan ng extension
ang mga nag-expire na TESDA certificates sa barko? Gusto ba nilang
pauwiin pa ang mga marino? Unang-una hindi dapat bigyan ng expiration ang
ganyang klaseng mga dokumento. May expiration ba ang utak ng mga marino?
Kahit ano man ang propesyon ng isang tao habang ginagampanan niya ang kanyang
trabaho ay lalong lumalawak ang kanyang kaalaman. Babaguhin lang ang kanyang
certificate of competency kung siya ay nabigyan na ng promosyon. Dito lang
sa bansa natin nangyayari na ang mga taong dapat bigyan pa ng medalya
dahil sa kanilang ginagawang kabayanihan para sa bansa ay pinaparusahan.
Sabihin nyo lang mga kabaro ko kung kailan kayo handang makipagtuos sa
mga buwitre sa TESDA. Ako ang mangunguna sa inyong ipinaglalaban.
**********
Ganyan din ang nangyari noon sa Artist Record Book (ARB)
ng mga Overseas Performing Artists. Napakahirap ang screening pero sa halagang
PhP 70,000, makakakuha na ng ARB kahit hindi na sila magpapakita.
**********
Ngayon ko lang nalaman itong Merchant Marine Circular
134 na pinalabas ng Regional Office for Asia ng Panama Maritime Authority.
Nakasaad sa nasabing circular na lahat ng mga endorsement na isyu ng Panama
Maritime Authority ay may validity lang na limang taon. Ayon kay Chief
Engineer Balmer, na isa sa bumuo ng IMO-STCW Convention 1978, maaring pakuhain
ulit ng mga upgrading courses ang isang marino kung may limang taon nang
hindi siya sumasakay ng barko. Tama lang naman iyon. Ang problema,
pati ang NAC certification sa mga opisyales ay may expiration din.
Ang nakakapagtaka dito ay ang NAC certification ng mga ratings ay
walang expiration. Ang malaking problema naman dito ay ayaw bigyan ng renewal
certificates ang mga ratings ng Panama Maritime Authority kasi walang nakalagay
na revalidation. Ang gusto lang daw ng Panama Maritime Authority ay sumulat
lang ang Maritime Training Council (MTC) sa kanila at sabihing walang expiration
ang NAC certificates ng mga ratings. Hindi naman siguro mahirap gawin iyon.
**********
Mga kabaro, ipinagdiinan ng mga iilang halang ang kaluluwa
ang mandatory Management Level Course (MLC) dahil sa isang sulat na ibinigay
ng Commission on Higher Education (CHED) sa IMO. Hindi man lang kinonsulta
ang mga maapektuhan sa sulat na kanilang ginawa. Dahil walang aksyon na
ginawa ang CHED, pinangunahan ng ilang mga eksperto sa Professional Regulations
Commission (PRC) ang pagpapatupad ng mga kursong ito. Mga kabaro, pumasa
ang Burma, Indonesia, Myanmar, Vietnam, Thailand sa IMO “white list”. Ang
ibig bang sabihin ay mataas ang antas ng kanilang edukasyon sa kursong
maritima kaysa atin? Pinapatupad ba ng mga bansang ito ang nagpapahirap
sa atin na mga Management Level Course? |
|
OPINION
EDITORIAL
The
Ping- Pong Process
SOUNDING LEAD
What
is the Problem?
Capt. Reynold M. Sabay
UGONG NG MAKINA AT IKOT NG ELISI
Mga
Buwitre sa TESDA
Engr. Nelson P. Ramirez
VAST HORIZON
What
Makes a Good Instructor
C/Engr. Rodolfo B. Virtudazo
POINT IN LAW
“Grade
Impediment”
Atty. LeonardoVinz O. Ignacio
COMMENT
Editorial:
The Ping-Pong Process
Capt. Leuel P. Oseña
Contribute your ideas online!
Express your opinion!
You can now
any discussion on seafarer's issues anytime or anywhere you are with
Usapang
Marino
(Seafarer's
Forum)
at URL: http://www.ufs.ph/phpBB2
Need a break?
Participate in seafarer’s
sports while in Rotterdam and Antwerp?
ISS/ICSW, in cooperation
with Friends of UFS in Rotterdam, has initiated a host of sports activities
for seafarers calling ports in Rotterdam and Antwerp. For more information,
contact Jorg Pfautsch, telephone number 0032-478-292469, or UFS-Rotterdam
at 010-4668300. |
THE
SEAMAN’S CHURCH INSTITUTE OF NY & NJ
International Seafarers’
Center
118 Export Street, Port
Newark,
New Jersey 07114
TELEPHONE (973) 589-5828
FAX (973) 8565
WE WELCOME YOU!
– MON - FRI 8:30 AM to10
PM
– SATURDAY 4 to10 PM
– SUNDAY 4 to 10 PMFree
Transportation to the center / Worship service, prayer meetings, and counseling
is provided aboard ship by request, and the Mariner’s Chapel / Cross &
Anchor calling cards – low rates for domestic and international calls ($10
and $20 cards available) / Books, Bibles, magazines, religious materials,
trucker resources, and used clothing / Postal services (U.S. mail, priority
/ express mail, Fedex) available / Money orders and money gram services
to all countries / Cash remittance to the Philippines / Internet access,
email services, faxes / Sports & Entertainment–large screen TV, ping
pong, darts, billiards, soccer, basketball, and video games / Fitness Center
/ Shower–no charge for seafarers / Gift Shop–candy, greeting cards, soda,
souvenirs, health and beauty products, clothing / New Jersey Gardens–the
largest outlet mall in NJ just 15 minutes away / Bus service is available
/ Balikbayan box shopping, UPS / Restaurant / Bar–Breakfast, lunch, and
dinner.
Serving the ports of Newark,
Elizabeth, Jersey City, Bayonne, Port Reading, Kearny, Linden, Carteret,
Perth Amboy, Staten Island, and Brooklyn |
NOTICE TO THE
PUBLIC

Rolly Pagaspas is not
in any way connected with the United Filipino Seafarers (UFS). He was assigned
as event director during the 1st UFS National Summit last September 2004
but he disappeared two days before the event. Any transaction entered into
by Mr. Pagaspas will not be honored by UFS. |